--Ads--

CAUAYAN CITY- Nananatiling naka-heightened alert ang Police Regional Office (PRO) 2 sa kabila ng pagtatapos ng Holy Week.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Sharon Mallillin, tagapagsalita ng PRO 2, sinabi niya na ang hindi nila pagbaba ng alert status ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero na magsisibalikan sa kanilang lugar.

Tinututukan nila sa ngayon ang mga transporation hubs and terminals sa Lambak ng Cagayan katuwang ang Land Transportation Office (LTO) at Highway Patrol Group (HPG) upang matiyak na road worthiness ng mga sasakyang bumibiyahe.

Aniya, walang naitala na matinding pagsikip ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada sa Region 2.

--Ads--

Sa pag-obserba ng Seman Santa ngayong taon ay mayroon lamang isang vehicular accident na naitala sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Ang nabanggit na datos ay mas mababa kung ikukumpara sa 15 vehicular accident noong nakaraang taon.