CAUAYAN CITY- Maagang nagtungo ang delegasyon ng Schools Division Office (SDO) Isabela sa Lungsod ng Cauayan para sa Cagayan Valley Athletics Association (CAVRAA) sa April 22.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sports Coordinator Manolo Bagunu ng SDO Isabela, sinabi niya na nitong Linggo, Abril 20 ay nasa Santiago City na ang aabot sa 855 ang delegasyon ng Isabela na kinabibilangan ng mga Atleta, Coaches, Staff at SDO Officials.
Aniya, ito ay upang makapagsagawa sila ng familiarization sa mga playing venues para hindi sila mangapa sa mismong kompetisyon.
Nagpapasalamat naman sila sa Host City dahil well-ventilated ang kanilang mga billeting quarters kaya komportable ang mga atleta lalo na sa kanilang pagtulog.
Maliban sa Santiago City ay mayroon din silang quarters sa bayan ng Cordon ngunit hindi naman aniya ito magiging sagabal sa mga atleta dahil sa nasa 10-15 minuto lamang ang biyahe patungo sa mga playing venues.
Malaking hamon naman para sa SDO Isabela ang pagiging defending champion nito sa nakalipas na CAVRAA dahil mayroon silang dinidepensahan na titulo.
Pinaghandaan aniya nila ang naturang kompetisyon dahil buwan pa lamang ng Marso ang nagsimula na ang mga atleta sa kanilang school-based training at Division in-house training upang matiyak na makapaghanda ng maayos ang mga atleta.











