--Ads--
Pinabulaanan ng 5th ID ang post ng Karapatan Cagayan Valley sa kanilang Facebook account na sinasabing iligal ang pagkahuli ng militar sa dalawang amazona sa Jones, Isabela.
Ayon kay MGen. Señires walang anumang issue laban sa Karapatan Cagayan Valley sa halip ay suportado nila ang adbokasiya ng grupo na pangangalaga sa karapatang pantao, gayunman kailangan na kung maglalabas sila ng pahayag ay pawang katotohanan lamang.
Batay sa post sinasabing ang mga nadakip na miyembro ng KRCV ay hindi mga komunista kundi mga aktibista lamang.
Hinamon pa ni MGen. Señires ang Karapatan Cagayan Valley na maglabas ng ebidensya o patunay na ang mga nadakip ay aktibista lamang at hindi armado.
--Ads--











