--Ads--

Nakiisa ang City Environment and Natural Resources (CENRO) Cauayan sa pagdiriwang ng Earth Day ngayong araw.

Ang Earth Day ay ipinagdiriwang kada taon tuwing April 22 sa halos lahat ng bansa sa mundo simula noong 1970.

Kasabay nito ay nagsagawa ng clean up drive ang CENRO sa ilang mga lugar sa Lungsod ng Cauayan pangunahin na sa riverbank na nasasakupan ng Barangay Alicaocao.

Sa loob ng ilang oras na paglilinis sa lugar ay nakaipon ang kanilang grupo ng sako-sakong basura sa tabing ilog.

--Ads--

Maliban sa paglilinis ay nagsawaga rin sila ng tree planting sa Greenland – Cauayan City Sanitary Landfill and Eco Park.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Alejo Lamsen, City Environment and Natural Resources Officer ng Cauayan, sinabi niya na kada taon silang nakikibahagi sa Earth Day bilang paraan upang makatulong sa kalikasan.

Aniya, napakahalaga na mapangalagaan ang kalikasan lalo na sa panahon ngayon na nararamdaman na ang epekto ng Climate Change.

Hinikayat naman niya ang publiko na makiisa sa mga ganitong klase ng aktbidad na naglalayong maalagaan ang kalikasan kahit hindi Earth Day.