CAUAYAN CITY- Hindi maututuring ng notorious ng Highway Patrol Group Isabela o HPG-Isabela ang mga nadakip na suspect sa isang carnapping incident sa ikinasa nilang man hunt operation.
Matatandaan na kahapon nadakip ang pangatlo sa apat na suspect na si Alyas “Rogel” dahil sa reklamong carnapping.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Rey Sales ng HPG-Isabela, sinabi niya na ang nadakip na carnapping suspects ay resulta ng patuloy nilang man hunt operation laban sa mga wanted person.
Aniya kahit na Semana Santa ay naging abala sila sa pagpapatupad ng kanilang mandato.
Sa katunayan ang apat na suspect ay may warrant of arrest sa RTC branch Cauayan City dahil sa kasong carnapping.
Nauna na rito ay nasakote na rin nila ang dalawa pa sa Caloocan City at Tuguegarao City habang ang isa naman ay napabalitang namatay na.
Bagamat binubuo ng apat na indibiduwal ay hindi maituturing ng HPG-Isabela ang mga suspect bilang organized groups.
Matatandaan na nag-ugat ang kaso sa pagnanakaw umano ng mga suspect ng bakal sa kumpaniyang kanilang pinapasukan at ng ibebenta na ang mga nakaw na bakal ay ginamit nila ang sasakyan ng kumpaniya, bagamat naibalik na ng mga suspect ang sasakyan ang mga ninakaw na bakal ay hindi na naibalik pa.










