Nakikibahagi ngayon ang ibat-ibang units ng AFP Northern Luzon Command at mga units ng Estados Unidos sa Exercise Balikatan 40-2025.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Maj. Al Anthony Pueblas, Public Information Officer ng AFP Northern Luzon Command, ang Balikatan 2025 ay nagsimula noong April 21, 2025 at magtatagal hanggang May 9, 2025. Tampok dito ang simulated full-scale battle na layong subukin at palakasin ang kakayahan ng dalawang pwersa sa aktwal na operasyon.
Ito ay isasagawa sa iba’t ibang lugar sa bansa sa ilalim ng pamamahala ng limang unified commands ng AFP: NOLCOM, SOLCOM, WESCOM, VISCOM, at EMC.
Layunin ng exercises na maipakita ang military readiness, interoperability, at pagpapaigting pa sa commitment ng Pilipinas at Estados Unidos upang mapanatili ang kapayapaan sa Indo-Pacific.
Idedeploy dito ang mga advanced US weapons platforms maliban pa sa kasalukuyang modernization program ng Philippine Military.
Kabilang dito ang NMESIS o US Navy-Marine Expeditionary Ship Interdiction System, na tinukoy bilang mobile anti-ship missile system na may range na 100 nautical miles.
Idedeploy din ang MRC Typhon na kayang magpalipad ng Tomahawk Land Attack Missile at Standard Missile-6 at kayang umabot ng range sa 1,000 nautical miles.
Ang mga ito ay dinala sa bansa para sa training purposes ng mga personnel ng AFP.
Kailangang masanay ang tropa ng dalawang bansa sa paggamit ng mga makabagong armas para sa mas episyenteng paggamit kapag nagkaroon ng hindi kanais-nais na pangyayari.











