--Ads--

CAUAYAN CITY- Bumuo na ng Special Investigation Task Group ang Regional Police Office 2 para sa in depth investigation sa pamamaril patay kay Mayor Joel Ruma ng Rizal, Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Sharon Mallillin ang tagapagsalita ng Police Regional Office 2, sinabi niya na layunin ng SITG na malutas agad ang kaso sa pamamagitan ng pagtukoy sa motibo at persons of interest sa pamamaril.

Itinuturing na anya nilang election related incident ang pangyayari dahil sa tumatakbo ring mayor ang napaslang.

Maliban kay Mayor Ruma ay sugatan din sa pamamaril si Merson Abiguebel at Melanie Talay na kasalukuyang nasa Cagayan velley Medical Center.

--Ads--

Una nang naganap ang pamamaril sa kasagsagan ng campaign rally ng kampo ni Mayor Ruma sa Barangay Illuru Sur na isang far flung barangay ng Rizal, Cagayan.

Samantala, pinaigting na rin ng Police Regional Office 2 ang kanilang mga Comelec Checkpoints upang maiwasan nang maulit ang pangyayari.

Sa kabila ng karahasan ay nanatili ngayon sa green category ang Bayan ng Rizal Cagayan subalit maaari itong muling pag-aralan matapos maitala na ang unanag election related incident na kinasangkutan isang knadidato sa nasabing Bayan.

Ito ang unang pagkakataong nakapagtala ang Pulisya ng karahasan sa Rizal gayung lahat naman ng mga kandidato sa mga nakalipas na halalan ay tumalima sa kanilang peace covenant.

Panawagan ngayon ng PRO 2 sa publiko na makipag tulungan sa Pulisya para sa pagbibigay ng impormasyon para sa ikalulutas ng kaso at mabigyan ng hustisya ang pamilya ni Mayor Joel Ruma.


Mas pinaigtingin na rin nila ang check points para maharang kung sino man ang mga person o interest na posibelng utak sa pamamaslang.