--Ads--

CAUAYAN CITY-Hinaharap ngayon ang Isabela Electric Cooperative 2 ang problema sa kapasidad ng kanilang Naguilian at Roxas substation dahil sa overloading at manual dropping na nagresulta sa rotational at unscheduled power interruptions sa ilang bayan na kanilang nasasakupan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Joseph Palattao ang Technical Services Department Manager ng ISELCO 2, sinabi niya na kasalukuyang nakakaranas ng unscheduled power interruption ang mga member consumer na nasasakupan ng Naguilian substation na siyang naghahatid ng kuryente sa Naguilian,Benito Soliven, at San Mariano, Isabela,Roxas substation na siya ring nagtutustos sa Roxas, Mallig,Burgos, at Quezon, Isabela dahil sa nagkakaroon ng overloading ang kanilang 5MV transformer.

Dahil dito kinailangan nilang magsagawa ng manual dropping para ma-safeguard ang kanilang power transformer.ang nangyayaring overloading ay dahil sa mataas na demand ngayong ng mga member consumer dulot ng napakainit na panahon.

Aniya sapat ang power supply sa ISELCO 2 gayunman may problema sa kapasidad ng mga substations na nagreresulta sa unscheduled power interruption.

--Ads--

Sa kanilang obserbasyon nagkakaroon ng overloading tuwing gabi sa Naguilian substation na siyang dahilan ng 2 hours rotational brownout sa mga apektadong lugar habang dalawang beses na manual dropping naman ang nangyayari sa Roxas substation.

Naiintindihan naman ng ISELCO 2 ang mga batikos na kanilang natatanggap dahil sa init na rin ng ulo ng mga apektadong member consumer subalit sisikapin nilang mabawasan na ang mga rotational at unscheduled power interruption.

Isa sa kanilang shorterm solution ay ang deloading ng Roxas substation patungo sa San Manuel substation.