CAUAYAN CITY- Inaasahang isasagawa na ang Commission on Election (COMELEC Region 2) ang pagdeliver ng mga balota at election paraphernalia ilang Linggo bago ang halalan, ito ay matapos na simulan na rin ng COMELEC central office ang delivery ng mga ito.
Matapos na ma-deploy ay isususnod na ang delivery ng mga Automated Counting Machines o ACM na gagamitin sa buwan ng Mayo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Reginal Dirtector Atty. Jerbee Cortez ng COMELEC Region 2, sinabi niya na sisimulan na nila ang pamamahagi ng voter’s information sheets at puntiryang matapos bago ang halalan.
Laman ng bawat information sheets ang impormasyon ng botante, voting precint number, schedule para sa pagboto, paraan sa pagboto maging listahan ng mga pangalan ng mga tumatakbong kandidato.
Aniya sa mga kaso ng mga may non-permanent adress ang kanilang Information sheet ay ipapadala o dadalhin ng COMELEC sa kanilang inilagay na address nung sila ay nagparehistro, kung sakaling non-exisiting at hindi mahanap ay ibabalik sa tanggapan ng COMELEC ang voter’s information sheet.
Maliban sa Voter’s information sheets ay may online precint finder din ang COMELEC na nakalaan naman para sa mga empleyadong botante para mas mapadali ang paghahanap sa kanilang voting precint.
Muli naman ay binigyang linaw ni Atty. Cortez na walang administrative power ang COMELEC para magalis sa listahan ng pangalan ng mga botante. Aniya tanging ang korte ang may kapangyarihan na alisin sa listahan ng mga botante na hinihinalang flying voter.
Aniya hindi basta basta ang pagaalis ng pangalan ng mga flying voter dahil mismong mga kandidato ang dapat na maghain ng exclusion bago idulog sa korte kung sakali mang sila ay may hinihinala o inirereklamong flying voter.










