--Ads--

CAUAYAN CITY- Job seekers at graduating students ang dumagsa sa job fair na bahagi ng Kawayan Students Festival 2025 sa SM supermall, Cauayan City, Isabela ngayong araw.

Nagbukas ang job fair dakong alas-9:00 ng umaga at nagtapos alas-3:00 ng hapon.

Nagmula pa sa iba’t-ibang mga kurso ang mga estudyante ng nakiisa job fair na inorganisa ng mga instructor ng ISU, DOLE, PESO at LGU Cauayan.

Ayon kay Joy Marie Mara, instructor ng ISU Cauayan at isa sa mga organizer ng event, humigit kumulang isang daan na mga estudyante at maging mga alumni ang dumagsa sa job fair.kung ikukumpara noong nakaraang taon umabot ng mahigit limang daan ang nakiisa sa job fair kahit pa sa loob ng ISU Campus lamang ito ginanap.

--Ads--

Samantala, malaking tulong para sa graduating student na si Ronnalyn Zapata ang pagsasagawa ng job fair.

Aniya, sa dami kasi ng mga nagtatapos ngayon, may mga nakikita siya na walang mapasukan na trabaho.

Kaya sinamantala niya ito upang kung sakaling palarin ay magkatrabaho pgkatapos niyang grumaduate.

Aniya, nais niyang aplayan ang trabahong maÿ kaugnayan sa pagnenegosyo dahil sa Business management ang kaniyang kurso.

Kabilang din sa mga nakiisa sa job fair ay ang Bombo Radyo Cauayan para mabigyang daan ang mga graduating student at mga alumni na nagnanais pumasok sa larangan ng media.

Isa sa mga nagpasa ng kanyang aplikasyon ay si Mark Ken Magno, graduating student sa kursong legal management.

Aniya, matagal na niyang naririnig ang Bombo Radyo at ngayong malapit na siyang magtapos ay gusto niyang mapabilang dito.

Tulad ng ibang nag apply, nais din ni Mark na maging bahagi ng isa sa pinakamatagal radio station sa bansa at gusto niyang mapabilang sa propesyonal na larangan ng media.