Welcome development para sa grupo ng mga magsasaka ang pilot project ng Department of Agriculture na 20 pesos per kilo ng bigas sa visayas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Rosendo So ng Samahang Industriya ng Agrikultura ,sinabi niya na ang pilot implementation ay posibleng daan para ma subsidize ang mga tulong mula sa Pamahalaan sa pamamagitan ng pagbili ng bigas sa NFA na ibebenta sa murang halaga sa publiko.
Naniniwala ang SINAG na posibleng masustain ito ng Pamahalaan kung ang ilang alokasyon ng pondo mula sa tupad ay gagamitin sa pagbili ng murang bigas dahil sa mas marami ang matutulungan nito.
Dahil ang proyekto ay isang uri ng subsidy hindi ito makakaapekto sa presyo ng Palay ng mga magsasaka.
Hindi din naniniwala ang SINAG na ang pagpapatupad ng proyekto ay may kinalaman sa pamumulitika dahil sa Visayas ito ipinatupad, kung gagamitin aniya ito sa pulitika ay dapat unang ipinatupad ito sa Luzon kung nasaan ang 50% ng mga consumer.
Samantala, sa ngayon ay handa ang SINAG na magbenta ng murang bigas bilang suporta sa proyekto Pamahalaan.











