--Ads--

CAUAYAN CITY- Itinapong upos ng sigarilyo ang isa sa tinitignang dahilan ng Cauayan City Fire Station sa nangyaring grass fire kahapon sa bakanteng lote na nasaakupan ng Woodside Subdivision, Minante 2, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Bureau of Fire Protection Cauayan, posibleng dahil sa itinapong upos ng sigarilyo ang dahilan ng sunog, ayon na rin sa mga rumespondeng bumbero.

Mayroon kasi umano silang nadatnan na mga trabahador sa lugar.

Ngunit hindi pa rin naman iniaalis ang posibilidad na posibleng dahil sa mainit na panahon ang sanhi nito.

--Ads--

May mga nakitang bote kasi sa lugar na posibleng pinagmulan ng sunog dahil sa laser effect na idinudulot ng bote kung mataaman ng araw.

Gayunpaman, muling nagpaalala ang BFP sa publiko na maging maingat at huwag magtapon kung saan saan ng mga upos ng sigarilyo.