--Ads--

CAUAYAN CITY- Itinaas na ng state health insurance o Philhealth ang dialysis Sessions Benefits  nito para sa miyembro at sa kanilang mga qualified dependents.

Sa inilabas na circular ng ahensiya, itinaas ng opisina ang benepisyo na maaring makuha ng mga sumasailalim sa dialysis session lalo na ang mga may chronic kidney disease stage 5 na sumasailalim sa hemodialysis.

Ibig sabihin mula sa dating 90 days sessions na sagot opisina, itinaas na ito sa 156 days sessions para sa mga sumasailalim dito.

Katumbas din nito ng 6,350 pesos na health benefit package per session mula sa dating 4,000 pesos kung saan lumalabas na halos 1 million pesos ang maaring maavail ng mga miyembro kada taon.

--Ads--

Ang bagong health package ay maaring ma-avail sa lahat ng mga accredited dialysis center ng mga miyembro ng state health insurance.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Marketing Officer Pritchelle Candari ng local health insurance office dito sa lungsod, sinabi niya na malaking bagay ito para sa miyembro ng state health insurance dahil kung tutusin ay halos wala ng ilalabas na pera ang pasyenteng sumasailalim sa dialysis session dahil sa mas pinalawig na health package.

Bukod pa rito, malaki rin ang itinaas sa benipisyo ng mga breast cancer patients kung saan pumapalo ng halos 1.4 million pesos ang maari ma-avail ng mga miyembro nito.