CAUAYAN CITY- Halos 3,000 na mga TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers beneficiaries ang nakinabang sa programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Lungsod ng Cauayan.
Kasunod ito ng pagbubukas ng programa ngayong taon kung saan binibigyan ng hanapbuhay ang mga nangangailangan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Divina Gonzales, PESO Manager ng Cauayan City, sinabi niya na marami ang slot ngayon dito sa lungsod at dumaan sa masusing profiling ng DOLE Region 2 ang mga benepisyaryo nito.
Giit nito na marami ang hindi nakuha sa screening dahil hindi sila pasok sa qualifications o guidelines.
Kasama rito ang mga estudyante, mga nagtatrabaho sa pamahalaan, at mga hindi kabilang sa disadvantaged sector o mga displaced workers.











