--Ads--

Nasawi ang dalawang pangunahing opisyal ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) na sina Reniel Locsin Cellon at Charity Amacan sa isang armed encounter laban sa tropa ng Pamahalaan sa Kabankalan City, Negros Occidental.

Ayon sa ulat ng Negros Occidental Police, kapwa may mga nakabinbing warrant of arrest ang mga nasawi dahil sa mga kasong pagpatay. Si Cellon, dating kumandante ng Southwest Front, ay may 4 na warrant kaugnay ng murder at direct assault. Samantala, si Amacan, na dating kalihim ng Southeast Front, ay may kabuuang 11 warrant of arrest.

Itinuturing ng mga awtoridad na malaking dagok ang pagkakapatay sa dalawa at sa limang iba pang rebelde,ayon sa Philippine Army, ibinalik na sa kanyang pamilya sa Escalante City ang bangkay ni Amacan, 61 anyos.

Patuloy namang isinasaayos at bineberipika ng pulisya ang mga criminal record ng iba pang mga nasawi sa engkwentro.

--Ads--

Samantala, nagpahayag ng simpatya ang 3rd Infantry Division sa sibilyang nasugatan sa insidente na ngayon ay kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.