--Ads--

CAUAYAN CITY- Umabot muli sa 650 quota allocation ang Tactical Operations Group (TOG) 2 sa isasagawang pagsusulit at screening para sa Philippine Air Force Officer Candidate School (PAFOCS) at Air Force Common Admittion Test (AFCAT).

Ang naturang pagsusulit ay isang selection process upang malaman kung kwalipikado sa hanay ng Phillipine Air Force ang isang indibidwal.Ang pagsusulit ay ginaganap tuwing 2nd quarter o midyear ng taon .

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay 2nd Lt. Kevin Mchale Agagdan, Public Affairs Officer ng TOG 2, aniya, isang buwan bago ang pagsusulit ay inaabisuhan na ang publiko na makipag ugnayan sa kanilang hanay para malaman ang mga requirement sa naturang programa.

Ang mga indibidwal na nagpasa ng kanilang folder na naglalaman ng kanilang pagkakakilanlan ay ang sasailalim sa pagsusulit sa darating na May 14 hanggang 16 ngayong taon.

--Ads--

Ang mga gusto namang humabol sa pagpapasa ng personal documents ay kinakailangang makipag-ugnayan sa TOG 2.

Ayon pa kay 2nd Lt. Agagdan, ang pinaka requirement lamang na hinahanap ay ang pagiging Law abiding citizen at walang bad record maging sa barangay.