CAUAYAN CITY- Pinili ng mga kawani ng National Food Autority o NFA Cauayan na pumasok ngayong Labor Day upang makabili ng palay mula sa mga magsasaka.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay House Supervisor Ronald Acosta ng NFA Cauayan, sinabi niya na bagaman holiday ngayon ay mas mahalaga naman na makabili ng mas maraming palay ang NFA.
Kung hindi aniya papasok ang mga kawani ng NFA ay hindi makakapag benta ng palay ngayong araw ang mga magsasaka mula pa sa bayan ng Aurora at ibang karatig bayan.
Samantala, sa mga nakalipas na araw ay ipinatupad ang pull-out sa umaga at saka lamang sila bibili ng palay kapag hapon na.
Ayon pa kay Ginoong Acosta, ngayong peak season ay unahan na sa pagbebenta ang mga magsasaka kaya alas 6 palang ng umaga ay may nag aabang na para mag benta.
Sinasamantala naman aniya ito ng mga magsasaka lalo pa at 24 pesos ang kada kilo ng dry palay.
Sa ngayon umabot na sa 5700 ang total procurement ng NFA Cauayan at tuloy tuloy pa rin ang pagbili para makompleto ang 25,000 bags na target procurement.











