--Ads--

Nasawi ang 12 katao habang mahigit 20 iba pa ang sugatan matapos ang multi-vehicle collision sa sa SCTEX.

Ang insidente ay nangyari nang magkabanggaan ang isang truck, isang sasakyan, at isang bus, kung saan ang isang sasakyan ay naipit sa pagitan ng bus at truck sa bahagi ng Tarlac City Toll Plaza Exit sa SCTEX.

Ayon kay Central Luzon police chief Brig. Gen. Jean Fajardo, 12 katao ang nasawi at 27 iba pa ang nasugatan sa trahedya.

Batay sa initial report mula sa Central Luzon Police Regional Office (PRO 3), nangyari ang aksidente bandang 12:30 ng tanghali sa Tarlac SCTEX Exit Toll Plaza sa Tarlac City.

--Ads--

Ayon sa Philippine Red Cross (PRC) ang mga sasakyang sangkot ay kinabibilangan ng tatlong SUVs, isang container truck, at isang passenger bus.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nangyaring insidente.