CAUAYAN CITY- Abala ngayon ang Parole and Probation Office na ayusin ang caseloads na kanilang hawak matapos maimplementa noong nakaraang buwan ang Quarterly Monitoring Report (QUARM)
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Pedro Almeda Jr., Chief Parole and Probation Officer, sinabi niya na hindi pwedeng magpakampante ang kanilang hanay sa overdue na kasong kanilang hawak ngayon.
Ang overdue na kaso ay minomonitor na ng Central Office sa bawat kwarter ng taon at hindi na annual monitoring.
Sakaling hindi makapag pasa ng report ang Parole and Probation Office ay posibleng makaapekto ito sa trabaho ng mga kawani ng ahensya at posible pa silang matanggal at masampahan ng kaso.
Kaugnay nito ay ipinapakiusap ng ahensya na lahat ng mga may kasong kinahaharap ngayon ay makipag-ugnayan at makipag tulungan sa ahensya upang mapadali ang proseso ng kaso.
Sa ngayon ay mayroon ng 301 active supervision, 11 parolees, at 58 investigation kung saan 30 cases muka rito ang kasalukuyan pang pending..
Sa ngayon ay hinihintay din ng ahensya ang tulong ng mga parolees at probationers upang maiwasan ang pending at overdue cases.









