--Ads--

CAUAYAN CITY-Pinaaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) Cauayan ang mga magsisilbing poll watchers ng mga kandidato na limitado lamang ang trabaho ng mga ito sa araw ng halalan.

Gampanin ng mga poll watchers na bantayan lamang ang kanilang polling precinct at hindi nila tungkulin pang mangampanya ng mga kandidato sa kasalukuyang araw ng botohan

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Johanna Vallejo, City Election Officer, sinabi niya na posibleng mayroon pang mga poll watchers ang hindi nakaunawa sa dapat at hindi nila dapat gawin.

Ipinauunawa ng comelec na ang mga watchers ay hindi pwedeng makipag-usap sa kahit na sinong nasa loob ng presinto, botante man o electoral board.

--Ads--

Ipinagbabawal sa mga watchers ang pananakot o pagbibigay ng suhol sa mga botante upang hindi ma bahiran ng pandaraya ang eleksyon.

Bawal din ang maglakad lakad sa loob ng polling precinct kaya may mga designated area lamang na pwede silang magbantay.

Bukod dito, tungkulin ng mga Polling precinct poll watcher na obserbahan ang mga irregularities, insidente, o violation sa loob ng presinto at tinitiyak na makakuha ng kopya ng Election Returns (ER).

Ang mga Voters’ Assistance Desk Poll Watcher naman ang dapat na naka monitor sa certification process ng mga ACM, Final Testing, at mag assisst sa Command Center para sa validation ng votes.