Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang pedestrian matapos siyang mabangga ng isang motorsiklo habang tumatawid ng kalsada sa Bagabag, Nueva Vizcaya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Oscar Abrogena ang hepe ng Bagabag Police Station, sinabi niya na ang sangkot ay isang single motorcycle na minamaneho ni Mico Laureta, isang Marketing Assistant na residente ng Murong, Bagabag, Nueva Vizcaya.
Ang biktima ay si Fernando Kristo Dianar,may asawa na residente ng Bakir, Bagabag Nueva Vizcaya.
Aniya sa kanilang pagsisiyasat papatawid ng kalsada ang biktima ng bigla itong mabangga ng motorsiklo.
Nagtamo ng sugat sa ulo at nabali pa ang paa ng biktima na agad dinala sa Region 2 Trauma Medical Center o R2TMC kung saan siya kasalukuyang inoobserbahan at nasa kritikal na kondisyon dahil hanggang sa ngayon ay wala paring malay.
Depensa ng drier ng motorsiklo hindi niya agad nakita ang papatawid na biktima dahil sa madilim sa lugar sanhi para aksidente nitong mabangga ang biktima.
Sa ngayon ay hinihintay pa ng Bagabag Police Station ang magiging pag-uusap ng pamilya ng biktima at ng driver ng motorsiklo para sa posibleng settlement.
Bilang tugon sa mga naitatalang aksidente sa kalsada ay nakikipag ugnayan na sila sa LGu para sa paglalagay ng sinages at street lights para sa mga natukoy na crime prone areas sa Bagabag.











