Dumulog sa himpilan ng Bombo Radyo Cauayan si Ginoong Nestor Perico para humingi ng tulong na muling makabangon matapos na matupok ng apoy ang kaniyang bahay sa Purok 1, Barangay San Francisco, Cauayan City.
Matatandaan na noong Marso 28 naganap ang sunog na tumupok sa kaniyang bahay, walang ibang naisalba sa trahedya si Ginoong Perico kundi ang ilan niyang mga damit.
Humihingi siya ng tulong ngayon na muling maipatayo ang kaniyang bahay kung saan pangunahing kailangan niya ay ang mga materyales at laborer na handang tumulong para masimulan ito.
Una na ring nakatanggap ng iba pang tulong si ginoong Perico subalit aminado siya na kulang at hindi sumapat ito para sa kaniyang pangangailangan.
Maging ang Pamahalaang Lokal at ang SWAD ay nakapagbigay na rin ng tulong kay tatay at ang naipon niyang halaga ay ibinili niya ng materyales.
Para sa mga nais na magbigay ng tulong maaari kayong makipag ugnayan sa himpilan ng Bombo Radyo Cauayan.











