--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang dalawang menor de edad matapos ang tangkang pagnanakaw sa ibang bahay sa Barangay Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na si Alyas PJ 16-anyos na residente ng Barangay Alicaocao,Cauayan City at Alyas Tantan 15-anyos, grade 9 student na residente ng Barangay Cabaruan, Cauayan City.

Sa ulat ng Pulisya pumasok ang dalawang suspek sa bahay ni Ginoong Leonard pasado ala-una ng madaling araw.

Nagising umano ang biktima kasama ang kaniyang asawa dahil sa pag tahol ng kanilang alagang aso at nakarinig ng yabag kaya binuksan nila ang ilaw, dito na tumambad ang nakabukas ng slidding window sa kusina at ang isa sa mga suspek na si alyas PJ na nasa loob na mismo ng kanilang tahanan.

--Ads--

Tinangka rin ng isa pa sa suspek na pumasok sa bahay gamit ang slidding window.

Dahil sa gulat ng makita sila ng mga may-ari ng bahay ay agad na tumakas ang dalawang menor de edad na suspek at naiwan pa ang dalawang circuit breaker na pag mamay-ari ng mga biktima.

Agad na nakahingi ng tulong ang mga biktima sa tanod ng barangay na nagresulta para agad na maaresto ang mga kawatan.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Cauayan Police Station ang dalawang suspek para sa disposisyon.