Isang lalaki ang dinakip sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Santiago City kaugnay ng paglabag sa RA 10591 at Election Gun Ban
Ang entrapment operation ay isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Isabela, katuwang ang Regional Intelligence Unit 2 at Santiago City Police Office, laban suspek na may paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Election Gun Ban sa bahagi ng Barangay Buenavista, Santiago City.
Ayon sa ulat ng CIDG, ang suspek ay si alyas “Berto”, 46 taong gulang, tricycle driver at residente ng Ramon, Isabela.
Nasamsam sa pag-iingat ng suspek ang isang unit ng 12-gauge shotgun, dalawang piraso ng live ammunition, boodle money, at isang cellphone.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng CIDG Santiago City ang suspek para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.











