--Ads--

Nasawi ang isang lalaki matapos na mabaril dahil sa pagsita sa maingay na muffler sa Barangay Pagala, Bucay, Abra.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt.Col. Daniel Pel-Ey ang PCADU chief ng Abra Police Provincial Office sinabi niya na, ang biktima ay si Juan Constantino habang ang suspek ay sina Juan Guillermo Guirrero at Rusero Cawasan na pawang mga residente din ng naturang lugar.

Batay sa pagsisiyasat ng Bucay Municipal Police Station lumalabas na galing sa inuman ang biktima at papauwi na sana ng sitahin niya ang mga suspek na sakay ng motorsiklo dahil sa maingay na muffler.

Dahil dita nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo na nagresulta sa pamamaril sa biktima.

--Ads--

Matapos ang insidente agad na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib ang biktima na naisugod naman sa pagamutan ng mga rumespondeng kasapi ng Bucay PNP para mabigyan ng atensyong medikal subalit idineklara nang Dead on Arrival (DOA) ng Attending Physician.

Narekober naman sa crime scene ang isang basyo ng caliber 45 na baril.

Napag-alaman na magkakilala ang suspek at biktima at magkapitbahay din  na may matagal nang alitan na posibleng motibo sa pamamaril.

Sa ngayon inihahanda na nila ang kasong isasampa laban sa dalawang suspek.

Aminado naman siya na walang umiiral na ordinansa ngayon ang Barangay kaugnay sa maiingay na muffler.