--Ads--

Dinakip ng mga otoridad ang isang kawani ng National Irrigation Administration o NIA matapos niyang barilin ang kaniyang kapitbahay sa Zone 6, Bangued, Abra.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt.Col. Daniel Pel-Ey ang PCADU chief ng Abra Police Provincial Office sinabi niya na, biktima ay si George Jimenez, 21-anyos at ang suspek ay si Juan Blancaflor isang kawani ng NIA.

Batay sa pagsisiyasat ay umuwi sa kanilang bahay ang biktima na nasa impluwensiya ng alak para kumain.

Nang magpunta ito sa likod ng kanilang bahay ay sinigawan umano nito ang kanyang kapitbahay na nauwi sa mainitang pagtatalo.

--Ads--

Habang sila’y nagtatalo, nagpambuno pa ang dalawa hanggang dalawang beses pinaputukan ng suspek ang biktima na tinamaan sa kanyang tiyan.

Agad namang naisugod sa ospital ang biktima at nalapatan ng kaukulang lunas.

Sa agarang pagtugon ng mga otoridad, mabilis ding naaresto ang suspek at narekober mula sa kanyang pag-iingat ang isang Cal .22 revolver na may dalawang bala habang nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang  basyo ng bala ng nasabing baril.

Nasa kustodiya na ngayon ng Bangued Police Station ang suspek na na nahaharap sa kasong Frustrated Homicide.