--Ads--

CAUAYAN CITY- Ibinahagi ng isang Public Servant ang kaniyang pagsisikap bilang isang single mother ngayong Mother’s Day.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SFO2 Maricar Castillo sinabi niya bilang isang bumbero at single mother ay madalas na hindi niya makasama ang kaniyang anak na lalaki dahil sa pagganap niya sa kaniyang tungkulin.

Aniya hindi niya maikakaila ang hirap bilang single mother sa kaniyang anak na Lalaki na ngayon ay may sarili na ring pamilya.Bagamat challenging ay hindi niya maramdaman ang pag-iisa sa mga pagsubok sa buhay dahil sa suporta mula sa kaniyang mga kapamilya maging mga katrabaho.

Sinisikap niyang hatiin ang kaniyang oras sa trabaho at pamilya.May mga pagkakataon na siya ay napapagod subalit patuloy niyang ginagampanan ang kaniyang sinumpaang tungkulin.

--Ads--

Sa araw-araw na dagok ng buhay ay humuhugot siya ng lakas mula sa kaniyang anak at nanatiling motibasyon ang kaniyang kasalukuyang trabaho.

Aniya kahit na maagang nag asawa ang kaniyang anak na lalaki ay patuloy parin aniya nitong ipina-paramdam sa kaniya ang pagmamahal bilang kaniyang Ina.