Sanib pwersa na babantayan ng San Agustin Police Station at Armed Forces of the Philippines at 2nd IPMFC ang halalan sa naturang Bayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmaj. Felix Berto Lelina hepe ng San agustin Police Station sinabi niya na naka posisyon na ang lahat ng mga PNP personnel sa 23 Barangay sa buong San Agustin.
Makakatuwang ng PNP sa pagbabantay ng seguridad ng mga election paraphernalia ang bawat Barangay Tanod ng kada Barangay.
Tiniyak din niya na magtutuloy tuloy ang pag papatrolya ng PNP, AFP at PMFC para maiwasan ang anumang aberya ngayong araw ng halalan.
Dagdag pa niya na nanatiling non partisan ang PNP at walang kinikilingan na kahit sinong kandidato.
Payo niya sa publiko huwag mag-atubiling lumapit sa otoridad kung mangangailangan ng tulong ngayong halalan.











