--Ads--

Apat na katao ang nasugatan sa isang insidente ng pamamaril sa Barangay Rosario Heights X, Cotabato City, sa bisperas ng Araw ng Halalan, gabi ng Linggo, ayon sa 6th Infantry Division (6ID) ng Philippine Army.

Ayon sa ulat ng militar, nagkaroon ng komosyon sa pagitan ng mga tagasuporta ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) at Serbisyong Inklusibo, Alyansang Progresibo (SIAP) bandang 10:50 ng gabi.

Dahil sa komosyon, nauwi ito sa barilan, batay sa militar. Kasama sa mga biktima ang isang police corporal.

Patuloy ang operasyon ng mga awtoridad laban sa mga salarin.

--Ads--