--Ads--

CAUAYAN CITY- Pangkalahatang naging maayos ang naganap na halalan sa Probinsya ng Nueva Vizcaya ngayong taon.

Sa kabila ng kapayapaan at maayos na eleksyon ay mananatili silang naka alerto hanggang May 18.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmaj. Novalyn Aggasid ang tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, sinabi niya napangkalahatan na payapa ang lahat ng bayan ng Nueva Vizcaya sa kasagsagan ng halalan kahapon, maliban sa ilang technical issues sa mga Automated Counting Machine.

Aniya wala silang nahuling lumabag sa mga alituntunin ng Comelec partikular ang Liqour Ban maging Vote buying at Vote selling,bagamat may ilang reports silang natanggap kaugnay sa pamimili ng boto ay naging negatibo ito sa ginawa nilang berepikasyon.

--Ads--

Naging hamon naman ang dead spot areas dahil sa kawalan ng data signal para sa pagbato ng report ng mga pulis na naitalaga sa field lalo ang mga nasa far flung areas.

Naging maayos din ang proclamation sa mga nanalong Governor, Vice Governor hanggang Mayor at Vice Mayor maging mga Sanguninang Panlalawigan at Sanguninang Bayan members.

Naging maluwag aniya ang pagtanggap ng mga natalong kandidato sa resulta ng halalan.

Samanatala muling nag resume ang road activities sa kahabaan ng daang maharlika matapos itong pansamanatalang ipatigil bilang paghahanda sa halalan.