--Ads--

Malaki ang tiyansa na ma basura ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte sa pagpasok ng bagong set ng mga Senador sa 20th Congress na mag sisilbing procecutor sa impeachment trial.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, isang Political Analyst, sinabi niya na ang resulta ng Senatorial Elections ay nag babadya ng magandang pangitain para kay Vice President Sara kaugnay sa impeachment trial na kakaharapin niya kahit na maidagdag sa procecutor team sina dating Senator Leila Delima at Atty. Chel Diokno.

Aniya sa impeachment trial kailangan ng labing anim na senador natatayong judge sa trial at kung makakakuha si VP Sara ng siyam na senador na boboto para sa kaniya ay mai-babasura ang kaso.

Kung pagbabatayan mga pahayag ng mga senador noon kaugany sa impeachment trial, political alliance at endorsement ay nagpapahiwatig na malaki ang tiyansa na makuha ni VP Sara ang siyam na boto ng acquittal sa impeachment case nito.

--Ads--

Maihahantulad aniya ang impeachment ni VP Sara sa naging impeachment trial ni Dating Pangulong Joseph Estrada kung saan mas nanaig ang political alliances kumpara sa mga ebidensyang iniharap sa kanila.

Hindi na rin aniya malabo na mangyari ito dahil sa karamihan na ng mga nanalong senador ngayon ay kabilang sa Political dynasty kaya malaki ang tiyansa na manaig ang usapin ng politika.

May posibilidad din na may mga senador na bumoto ng abstain lalo na kung isinasaalang-alang nila ang kanilang political career sa 2028.