--Ads--

Positibo ang naging pagtanggap ng mga magsasaka sa lungsod ng Cauayan sa mga binhing ipinamamahagi ng City Agriculture Office mula sa Department of Agriculture Region 2.

Ayon sa opisina, tumama kasi sa panahon kung kailan naghahanda na ang mga magsasaka ng kanilang mga taniman para magtanim.

Kaya naman ang mga binhi na ibinigay ng opisina ay siyang gagamitin para sa pagbubukas ng planting season.

Ayon kay Engr. Ricardo Alonzo, City Agriculturist ng Lungsod, sakto ang panahon ng pamamahagi nila ng mga binhi sa mga magsasaka.

--Ads--

Ang iba kasi aniya ay katatapos lang ang preparasyon sa kanilang sakahan at napapanahon ang libreng binhi upang may maipunla.

Giit pa niya, wala ring mga magsasaka ang nagsasauli ng kanilang mga binhi na nakuha mula sa pamahalaan kung kayat nangangahulugan ito na ginagamit ng mga magsasaka ang mga ayudang binhi.

Tinanggal din nito ang agam-agam ng ilang magsasaka na baka raw hindi tumubo ang mga binhi na galing sa opisina.

Dumaan sa seed testing ang mga ayudang binhi kaya wala dapat ipangamba ang mga kababayan nating magsasaka.

Nilinaw din nito na tanging mga magsasakang miyembro  ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA ang tanging makakatanggap ng ayuda.