--Ads--

Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na hindi na tatanggapin ng ang mga party-list group na kapangalan ng mga sikat na TV show at programa ng gobyerno katulad ng “ayuda” sa susunod na eleksyon.

Ayon kay Comelec chairman George Erwin Garcia hindi na nila papayag sa susunod na accreditation process na gagamitin ang mga sikat na telenovela na pangalan maging ayuda.

Giit niya na dapat nauukol tungkol sa kani-kanilang adbokasiya ang pangalan ng mga party-list group.

Batay sa isinagawang canvassing ng Comelec na umupo bilang National Board of Canvassers (NBOC), sa pagbilang ng mga para sa boto para sa party-list elections, ang Akbayan ang nangunguna at posibleng makakuha ng tatlong upuan sa Kamara de Representantes.

--Ads--

Samantala, iproproklama na ngayong hapon ng komisyon ang 12 elected senator at partylist.