--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagbabala ang Public Order and Safety Division sa mga tricycle driver na itigil nila ang kanilang pang ha harass sa mga pasahero dito sa lungsod ng Cauayan.

Kaugnay ito sa naitatalang sexual assault at pagbabanta sa buhay ng mga pasahero.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na naka monitor sila sa lahat ng concern ng mga mananakay, at kamakailan nga lang ay natanggap nila ang reklamo na isang pasahero ang hinabol ng kutsilyo ng isang tricycle driver dahil hindi sila nagkasundo sa pamasahe.

Dahil dito ay ipinatawag ang tricycle driver at pasahero upang pag-usapin at upang malaman kung anong dapat ipataw na reklamo sa tricycle driver.

--Ads--

Dahil nagka ayos naman ang dalawang panig ay hinayaan na lamang ito ng POSD subalit hindi naman palalampasin ng ahensya ang ganitong hindi magandang pag-uugali ng mga tricycle driver.

Pinaaalalahan pa ang mga tricycle driver na mayroon silang kahaharaping kaparusahan sa kahit anong hindi kaaya ayang kilos na ipapakita sa mga namamasada.

Magkakaroon din ng inspection ang ahensya upang maikutan ang lahat ng terminal at matiyak na walang driver ang nagdadala ng deadly weapon kahit kutsilyo pa yan.