Walang nakikitang implikasyon kay Dating Senator Leila Delima ang dating pangulo ng Integrated Bar of The Philippines kaugnay sa pagbaliktad ng Court of Appeals sa aquittal sa kinakaharap nitong drug case.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Domingo Egon Cayosa ang dating pangulo ng Integrated bar of the Philippines sinabi niya na bagamat walang implikasyon kay Delima ay sumasalamin ito sa mabagal na pag-usad ng hustisya o justice system sa bansa.
Ang pasya ng Court of Appeals sa aquittal ng kaso ni dating Senadora Leila Delima ay bunga ng pagbawi ng isa sa mga witness ng kaniyang sinumpaang salaysay sa korte.
Ayon sa CA nagkaroon ng abuse of discrestion dahil binaliwala ng hukom ang constituional provision kaya ibinalik ang kaso sa Muntinlupa RTC Branch 204.
Kung sakali aniya na hindi maging malinaw ang desisyon ng korte ay ituturing na null and void ang pasya nito.
Hangarin lamang naman ng hakbang ng CA na magkaroon ng klaripikasyon kaugnay sa desisyon ng RTC at sundin ang constitutional requirement.
Nilinaw naman niya na walang magaganap na re-trial dahil tapos na ang paglilitis subalit magkakaroon ng review ng mga records.
Umaasa si Atty. Cayosa na magkakaroon ng mabilis na tugon ang korte para ayusin ito.








