--Ads--

Isa sa nakikitang pangunahing solusyon sa nangyayaring baha sa loob ng pribadong pamilihan ng Cauayan City ang pagsasaayos ng mga drainage canal sa paligid nito.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sangguniang Panlungsod Member Edgardo Egay Atienza Jr. sinabi niya na matapos niyang makita ang post ng mga vegetable vendors sa Primark na naapektuhan ng pagbaha sa nakalipas na araw dahil sa malakas na ulan ay agad siyang nakipag-ugnayan sa tanggapan ng pribadong pamilihan.

Aniya sa mga nagdaang panahon ng tag-ulan ay naayos na ang mga drainage canal sa loob ng Primark ngunit muli na namang naranasan ang pagbaha na maaring nabarahan na naman ang mga daluyan ng tubig.

Dahil dito ay kinausap na nila ang pamunuan ng Primark at maging ang City Engineering Office para sa pagsasaayos ng mga kanal sa loob at labas ng pamilihan.

--Ads--

Sa ngayon ay may plano na ang pamahalaan lungsod na pagdaragdag ng canal sa loob ng pamilihan upang masolusyunan ang nararanasang pagbaha.

Ayon kay SP Atienza, implementasyon at pagpopondo na lamang ang hinihintay rito.

Tiniyak niya na kanila itong tututukan upang hindi na maranasan ang pagbaha sa loob ng pamilihan lalo na ngayong magsisimula na ang rainy season.