--Ads--

Inaresto ng mga otoridad sa Vietnam ang beauty queen na si Nguyen Thuc Thuy Tien dahil sa pagbebenta ng pekeng fiber supplements.

Ipinromote ni Nguyen sa kaniyang social media ang isang gummy product na sinasabing mayaman sa fiber.

Ngunit lumabas sa pagsusuri ng mga otoridad na 16 mg lamang ang laman nitong fiber, malayo sa 200 mg na ipinangako sa promosyon.

Sikat si Nguyen sa Vietnam matapos tanghaling Miss Grand International. Ngunit ngayon, nahaharap siya sa imbestigasyon kaugnay ng reklamong fraud.

--Ads--

Nauna nang inaresto noong Marso ang tatlong influencers na kasama niya sa pagbebenta ng produkto.

Ayon sa ulat, mahigit 100,000 kahon ng naturang supplements ang naibenta bago nadakip ang mga endorser.

Patuloy ang imbestigasyon habang pinapaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa mga produktong ineendorso online.