CAUAYAN CITY- Umaasa si Dating City Mayor Bernard Dy na ngayon ay Philipine Ambassador to Switzerland na tuluyan ng bawiin ng Sumpreme Court ang Temporary Restraining Order sa No Contact Apprehension sa lahat ng mga Local Government Units na dati nang may pasilidad at kagamitan para sa naturang programa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dating City Mayor Bernard Dy, sinabi niya na bagamat binawi na ng Korte Suprema ang Temporary Restraining Order laban sa “No Contact Apprehension” ay applicable lamang ito sa NCAP ng Metro Manila Development Authority.
Aniya, bagamat itinuturing niya ito bilang positive development ay nakukulangan siya dahil sa partial lifting ng TRO ng Supreme Court dahil hindi pa binibigyan ng kalayaan ang mga Local Government Unit na ipatupad ang NCAP.
Nakakapanghinayang aniya dahil sa hindi ma-utilize ng LGU Cauayan ang pasilidad para sa naturang programa lalo at ang Lunsod ang isa sa mga kauna-unahang nagpatupad nito noong 2022 sa ilalim ng Public-Private Partnership o PPP project.
Sa katunayan aniya ay hindi naman na bago ang NCAP dahil halos lahat ng mga first world country ay ipinapatupad na ito.
Pangunahing layunin lamang nito na mapigilan sana ang mga aksidente sa lansangan na dulot ng over speeding o mabilis na pagmamaneho ng sasakyan.
Ang talakayan aniya kaugnay sa pagpapatupad ng NCAP ay dapat ituring bilang Public Concern na kailangan tugunan Korte Suprema.










