--Ads--

Patungo na sa Ilocos Norte ang delegasyon ng Schools Division Office (SDO) Isabela para sa Palarong Pambansa 2025 na magsisimula sa ika-24 ng Mayo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Manolo Bagunu, Division Sports Coordinator ng SDO Isabela, sinabi niya na sa kabuuan ay nasa 200 ang kanilang delegasyon na kinabibilangan ng 143 athletes, 36 coaches, 4 chaperones at ang mga opisyal ng DepEd Isabela.

Karamihan sa mga atleta ng SDO ay kalahok sa mga individual events gaya ng athletics, Swimming, Taekwondo at iba pa.

Aniya, handang-handa ang mga atleta ng Region 2 para sa Palarong pambansa dahil matapos ang Cagayan Valley Regional Athletics Association (CAVRAA) Meet noong Abril ay nagtuloy-tuloy ang kanilang pag-eensayo.

--Ads--

Wala naman aniya silang naging problema sa paghahanda ng mga atleta pangunahin na ang kalusugan ng mga ito.

Kumpiyansa sila na malalampasan nila ngayong taon ang mga nakuha nilang medalya noong Palarong Pambansa 2024 lalo na at kasama pa rin nila ngayon ang 6 na medalist noong nakaraang taon.