Inulan ng batikos ang nagbitiw na Minister of Agriculture, Forestry and Fisheries na si Taku Eto ng dahil sa umano’y biro na hindi siya bumibili ng bigas sa kadahilanang nakakatanggap siya ng libreng bigas mula sa kaniyang mga tagasuporta sa kabila ng krisis sa bigas sa Japan.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Myles Briones Beltran na hindi lamang sa Pilipinas nararanasan ang mataas na presyo ng bilihin dahil sa Japan ay may kasalukuyang krisis sa bigas na nagdulot para sumirit ng husto ang presyo nito.
Ang isa sa pangunahing dahilan sa nararanasang mahal na presyo ng bilihin ay ang pagyanig sa Japan noong nakaraang taon.
Dahil sa ilang ulat na posibleng muling makaranas ng lindol ang Japan ay nagkaroon ng panic buying na nag resulta sa pagkaubos ng tustos ng bigas.
Sa ngayon ang 5 kilos ng bigas ay katumbas na ng 2000 pesos.
Samantala dahil sa isang biro ni Minister Eto ay ipinanawagan ng Democratic Party sa Japan na gawan ng paraan upang mapababa muli ang presyo bigas at hiniling ang agarang pagbibitiw nito sa pwesto.











