--Ads--

Nagpahayag ng kahandaang tumulong ang 5th Infantry Division Philippine Army kung sakaling pabalikin ng China at Taiwan ang nasa higit dalawang libong mga Pilipino sa tumitinding hidwaan ng dalawang bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay MGen. Gulliver  Señires, 5th ID Commander, sinabi niya na kung sakaling mas tumindi pa ang tensyon sa China at Taiwan ay naghahanda sila para sa gagawing operasyon.

Aniya hindi inaalis ang posibilidad na ang Pilipinas ang isa sa mga magiging refuged ng ilang mga katao maliban pa sa 250,000 Filipino OFW doon.

Hindi naman na aniya ito ang unang beses na tatanggap ng refugee ang Pilipinas dahil unang nangyari ito noong Vietnam war.

--Ads--

Maliban sa Philippine Army maaaring maging katuwang din sa pagsecure sa mga refugee ang iba pang enforcement agency ng Pamahalaan at Local Government Units.

Sa kabila ng tensyon inihayag ni MGen. Señires na walang dapat ipangamba ang mga Pilipino dahil walang inaasahang giyera at ang ginagawang transition ngayon ng PA mula internal security operation sa external defense ay bahagi ng kanilang Constitutional mandate kung saan ang Armed Forces ay naatasan na depensahan ang buong bansa sa external threats.

Ang paghahanda ay bahagi ng pagpapalakas sa hanay ng Philippine Army lalo at tapos na ang ISO o internal security operation laban sa mga militanteng grupo.