Muling ipatutupad ng lokal na pamahalaan ng Cauayan ang 4-day compressed workweek upang mapanatili ang magandang kalusugan ng mga kawani ng pamahalaan.
Batay sa Civil Service Commission (CSE) Memorandum Circular #18, inabisuhan ang mga Local Government Units, isa na ang LGU Cauayan na magpatupad ng apat na araw na trabaho lamang kung saan ang adjusted work schedule epektibo sa ika-2 ng Hunyo, simula Lunes hanggang Hwebes ay magsisimula hanggang alas 7 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi ang trabaho.
Sa pamamagitan ng 4-Day work week ay matutulungan ang mga kawani ng gobyerno na mapanatili ang kanilang magandang kalusugan sa kabila ng init ng panahon na nararanasan.
Bukod dito, mababawasan din ang araw na pag byahe ng mga kawani ng gobyerno upamg hindi sila mahirapan sa pakikipagsiksikan sa mga pampasaherong sasakyan lalo at napakataas ng heat index na nararanasan sa nakalipas na pagkakataon.
Sa pamamagitan ng Executive Order No. 31, S. 2025 na ito ay matutulungan din ang LGU na makapag tipid ng kuryente at maiwasan ang pag overload ng power grid dahil wala nang gagamit ng aircon, electricfan at iba pang kagamitang nakakapag konsumo ng kuryente.
Samantala, hindi naman kabilang sa 4-day compressed work week ang City Health Office (CHO), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), City Engineering (Field workers), City Agriculture Office (Field Workers), City Environment and Natural Resources (CENRO), Public Order and Safety Division POSD (field workers), City Economic Enterprise Management and Development Office (CEEMDO), City Veterinary Office at City Assessor’s Office.
Ang mga nabanggit na ahensya na hindi kabilang sa 4-day compressed workweek ay pwedeng mag adopt ng ibang flexible working arrangement na aaprubahan pa ng pamahalaan.











