--Ads--

Negatibo sa bomba ang mga College building na tinukoy na may bomba sa naganap na bomb threat sa Isabela State University Main Campus.

Matapos ang napaulat na bomb threat ay humingi ng tulong sa EOD Unit ang pamunuan ng ISU Main Campus.

Sinuri ng Provincial Explosive and K9 Unit ang mga pasilidad ng College of Nursing, College of Arts and Science at College of business Accountancy at Public Administration Main at Annex kung saan walang natagpuang bomba.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon upang matukoy kung sino ang nasa likod ng naturang bomb threat.

--Ads--

Samantala, sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpt. Aldrin Galay ang tagapagsalita ng Regional Explosive Ordinance Disposal and Canine Unit 2, sinabi niya na mabilis ang naging tugin nila sa tawag ni Pmaj. Merwin Delos Santos matapos maiulat ang natanggap na bomb threat sa ISU Echague.

Gaya ng nangyari sa ISU Cauayan ay identified din kung saan sinasabing inilagay ang bomba.

Aniya, sinuyod ng tropa ang tatlong College Building sa ISU Echague mula ala-1 hanggang alas-4 ng hapon subalit walang nakitang bomba.

Maliban sa perwisyong dulot ng pagkakaantala ng operasyon ng ISU Echague ay nagdulot din ito ng pangamba para sa mga staff, maging sa mga magulang ng mga estudyante.

Para hindi na masundan ang ganitong insidente ay nakipag ugnayan sila sa Regional Anti-Cyber Crime Unit 2 para sa pagsasagawa ng imbestigasyon upang ma-trace kung kanino galing ang pagbabanta.

Dahil sa napapadalas na insidente hiling naman niya ngayon sa mga kinauukulan na bigatan ang parusa para sa mga taong gulagawa ng ganitong krimen.