--Ads--

Igiinit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi siya magbibitiw sa puwesto matapos na ipag-utos ang resignations ng kanyang Cabinet members.

Ito ay kaugnay sa panawagan ng kanyang mga kritiko na imbes na mga gabinete nito ang pinagbibitiw ay siya na lamang umano ang kusang umalis sa pwesto.

Tanong ng Pangulo, bakit niya gagawin ang pagbibitiw at wala rin sa ugali niya na tinatakbuhan ang problema.

Ano rin aniya ang magandang idudulot ng kanyang pagbibitiw sa pwesto.

--Ads--

Paliwanag ni Pangulong Marcos, layunin ng panawagang courtesy resign na ma-recalibrate ang administrasyon matapos ang midterm elections.

Ayon sa Pangulo, hindi optics ang courtesy resignation lalo pa at masusing binubusisi ang performance ng bawat miyembro ng gabinete.

Matatandaan na inihayag nina dating executive secretary Vic Rodriguez na dapat si Marcos ang magbitiw sa puwesto dahil mismong siya ang problema.