--Ads--

Binantayan na ng mga opisyal ng barangay Alicaocao, Cauayan City ang overflow bridge matapos itong makitaan ng butas sa gitnang bahagi nito.

Ito ay upang matiyak na walang malalaking sasakyan na dadaan sa tulay.

Nakita ito kahapon ng umaga at maliit pa lamang ito ngunit sa pagdaan ng mga oras at mga sasakyan sa tulay ay mas lalo pa itong lumaki at nasa isang dangkal na ang lapad nito kaya minabuti nilang gawing one lane na lamang ang tulay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kagawad Ruby Pelagia ng Brgy. Alicaocao, Cauayan City, sinabi niya na naidulog na nila ito sa City Engineering Office upang masuri.

--Ads--

Magdamag umano silang nagbantay sa lugar upang matiyak na ligtas ang mga dadaang motorista dahil delikado na ito lalo na sa mga malalaking sasakyan sapagkat manipis na ang paligid ng butas.

Aniya mas lalo pa itong lalaki kung patuloy na madadaanan ng mga malalaking sasakyan.