Inihayag ng isang abogado na walang nalabag sa batas sa pagpapadeport ng Timor Leste kay dating Rep. Arnulfo Teves Jr. Nagtago sa kanilang bansa ng halos dalawang taon.
Ayon kay Atty. Domingo Cayosa, dating presidente ng Integrated Bar of the Philippines o IBP at Human Rights Lawyer, kahit simple lamang na deportation ang isinagawa kay Teves ay maituturing pa rin itong tama at walang violations sa human rights.
Aniya wala namang warrant of arrest ang pamahalan ng Timor Leste kay Teves kaya deportation lamang ang ipinataw sa kanya base sa diskresyon ng Philippine Government sa kanilang foreign relations.
Ang pahayag na ito ni Atty. Cayosa ay kaugnay sa naging reklamo ng pamilya ni Teves na pag-aresto sa kanilang kapamilya kahit walang warrant of arrest ang Timor Leste.
Aniya lumalabas na undesirable agent si Teves at kinansela na rin ng Pilipinas ang kanyang passport kaya undocumented alien na rin siya sa kanilang bansa kaya siya ipinadeport.
Pagpapakitang gilas naman aniya ito sa Pilipinas dahil sa pagnanais ng Timor Leste na umanib sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.
Maliban dito ay kailangan ding paalisin sa nasabing bansa si Teves para harapin nito ang mga kinakaharap na kaso sa Pilipinas.











