Malaking tulong para sa mga guro at atleta ang Special Education Fund (SEF) o ang tax na binabayaran ng mga manggagawa at establisyimento sa lungsod ng Cauayan.
Ngayong kasagsagan ang palarong pambansa 2025, lahat ng gastusin at pangangailangan ng atleta ay ibinibigay ng lokal na pamahalaan gamit ang SEF na nagmumula sa taumbayan.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay City Treasurer Hemelita Valdepeñas, sinabi niya na simula noong Cagayan Valley Regional Athletic Association ay mayroon nang pondong nakalaan para sa mga atleta ng Cauayan.
Mula sa allowance, uniform, at bitamina ay galing mismo sa tax ng taumbayan. Gayundin ang allowance at pangangailangan ng atleta ngayong palarong pambansa.
Samantala, kabilang din sa nakikinabang sa SEF ay ang mga local school board kung saan pinapasahod ang mga guro na hindi pa permanent at wala pang nakukuhang sahod mula sa pamantasan.
Sa ngayon ay mayroon nang nakolektang 55 million pesos na gagastusin lamang para sa pangangailangan ng ilang guro at atleta sa lungsod.











