Walong green sea turtles (Chelonia Mydas) hatchlings ang nirelease ng DENR Region 2 sa Pacific Ocean nitong May 29, 2025.
Ang nasabing hatchlings ay mula sa mga itlog na nadiskubre ng Park Rangers ng PENRO Batanes noong March 24, 2024, sa Sitio Chamantad, Barangay Chavayan sa Sabtang, Batanes.
Ito ay 24/7 na binantayan at minonitor ng mga kinauukulan upang agad silang mairelease sa dagat matapos silang mapisa.
Ang Sitio Chamantad ay panglimang nesting site sa Batanes at ang ilan pa ay kinabibilangan ng Sitio Pahanebneban, Barangay Chanarian, Basco; Sitio Disbayangan, Barangay Hanib, Mahatao; Barangay Imnajbu, Uyugan; at Sitio Gitnalban, Barangay Radiwan, Ivana.
Noong 2023 ay unang nirelease ng PENRO Batanes ang 74 na green sea turtle hatchlings sa nesting site ng Sitio Gitnalban sa Radiwan Ivana.
Ayon sa DENR ang presensya ng mga pangitlugan ng green sea turtles sa lugar ay indikasyon ng malusog na marine ecosystem.











