--Ads--

Pormal nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng Habagat season.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Chief Meteorologist Ramil Tuppil ng PAGASA DOST – Echague, sinabi niya na bagaman nagsimula na ang pag-iral ng southwest monsoon o habagat ay hindi ito nangangahulugan na simula na rin ng rainy season sa bansa.

Patuloy pa rin kasing inoobserbahan ng ahensya ang 12 weather stations sa kanlurang bahagi ng bansa kung saan 7 sa mga ito ang kinakailangang maka-meet sa criteria ng PAGASA para sa pagdedeklara ng rainy season.

Batay sa criteria, dapat maranasan ang limang araw na sunod-sunod na mga pag-ulan na may kabuuang 25 milimiters ang volume ng tubig.

--Ads--

Sa huling ikatlong araw ay dapat hindi ito bababa sa 1mm per day.

Sa ngayon ay hindi pa aniya nasa-satisfy ang mga nabanggit na criteria at patuloy pa itong minomonitor ng Pagasa.

Kung magtutuloy-tuloy ang pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansay maideklara na ang simula ng tag-ulan sa bansa.

Nilinaw naman niya na ang deklarasyon ng Pagasa na simula ng habagat ay para lamang sa simula ng pag-ihip ng southwesterly windflow.

Gayunpaman ay mas mapapadalas na mararanasan ang mga isolated thunderstorms o ang mga panandalian at biglaang pag-ulan lalo na sa hapon o gabi.

Posible namang makaranas ng isa hanggang dalawang bagyo sa buwan ng Hunyo habang dalawa hanggang tatlong bagyo naman sa buwan ng Hulyo at Agosto.

Para sa buwan ng Setyembre at Oktubre, 2 hanggang 4 na bagyo ang inaasahang mararanasan habang 2 hanggang 3 bagyo sa Nobyembre.