Asahan na ang pagtaas ng presyo ng mga pickup trucks matapos ang probisyon ng muling pagpapatupad ng excise tax sa nasabing uri ng sasakyan sa ilalim ng Capital Market Efficiency Promotion Act o CMEPA.
Ang CMEPA ay isang legislation na prayoridad ng Administrasyong Marcos sa ilalim ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), na inaprubahan ni President Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. nitong Huwebes.
Ayon sa pangulo ang proposed legislation ay para mapataas ang revenue base ng pamahalaan at makatulong sa pagsustena ng revenue gains.
Ang mga pickup trucks ay nabigyan ng special tax treatment sa ilalim ng TRAIN Law dahil sa crucial role nito sa mga maliliit na negosyante para sa pagtransport ng mga produkto.
Ayon sa Department of Finance o DOF nagagamit na ito ngayon bilang passenger transport at iba pang personal na pangangailangan ng mga bumibili nito.
Batay sa proposal ng ahensya nasa 4-50% ang ipapataw na buwis sa mga pickup trucks depende sa kita ng manufacturer o selling price ng mga importers.











